EDUKASYON

Rio A. Alpuerto

"Edukasyon"

"Mag-aral kang mabuti .Ang karunungan ay hindi maagaw sa iyo ninuman.pilitin mong makatapos.iba na ang may diploma.iyan ang tanging maipapamana namin sa iyo.kung gusto mo ng magandang kinabukasan magtapos ka ng pag-aaral"ito ang palaging sinasambit ng ating mga magulang o sa nakakatanda.sa ating bansa mataas ang pagpapahalaga sa edukasyon.ano nga bah ang edukasyon at bakit ito mahalaga?

Maraming kabataan ngayon ang tinatamad ng Mag-aral. May iilan naman nahinto,dahil sa kahirapan at pinili na lang ang magtrabaho para may makain.Isa ito  sa problemang kinakaharap ng ating bansa
Isa kaba sa mga kabataan  na iyon?.kung oo,isa puso  ang bawat mababasa mo sa tekstong ito. Edukasyon ang susi sa tagumpay mo sa buhay. Kung mananatili ka lamang  sa sitwasyon mo ngayon walang uusbong na pagbabago sa ating bansa . Nahinto ka man sa pag-aaral,maraming ahensya ng gobyerno na nagbibigay ng pagkakataon  sa mga tulad mo na makapag-aral ulit. Edukasyon ang tanging sandata mo para Magtagumpay sa buhay.hindi ka matatapakan at yuyurakan ng iba dahil alam mo sa sarili  mo na may pinag-aralan  ka at ginagamit  mo ito sa tama.

Sa buhay natin ay hindi lahat makukuha ng walang paghihirap at pagsisikap,ganoon din sa pag-aaral, " dadaan ka muna sa butas ng karayom" sabi nga nila  bago ka makapagtapos ng pag-aaral, kailang malakas ang loob mong harapin ang kahit na ano man ang hadlang o pagsubok,dahil kung lahat ng pagsubok ay kaya mong lampasan ,siguradong may maliwanag na bukas  ang naghihintay sa iyo. Malaki ang tulong  ng edukasyon sa ating mga buhay lalo na kung nakapagtapos ka ng iyong pag-aaral  at makapag tarabho ka pa ng  maayos.

Ang Edukasyon ang maging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng ating bansa,kung wala nito at kung ang mamamayan  ng isang lipunan ay magkakaroon ng isang  matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon,maging  sa mahiarap para sa atin na abutin ang pag-unlad.marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon batv siyanag magdadala sa atin ng ating mga inaasam at mithiin sa buhay.

Ang Edukasyon  ay kaiangan ng ating mga kabataan,sapagkat ito ang kanilang maging sandata  sa buhay sa kanilang kinabukasan.ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang magiging daan sa isang tao upang magkaroon ng sapat na kaalaman tungkol sa kanyang buhay,pagkatao at sa komunidad na ginagalawan . Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay  na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan.ang kabataan  at nararapat lamang  na magkaroon ng sapat na edukasyon  sa pamamagitan ng kanilang  karanasan at pormal na programa  na nakukuha sa mga paaralan. Ito  rin ang kanilang  maging sandata upang maharap nila  ang mga bagay na kaakibat ng kanilang  magiging kinabukasan.at dahil sila ang ating pag-asa nararapat lamang  na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon  na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.

Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinharap.ang paghahanda para sa ating kinabukasan,ang mabiang paraan upang makasiguro  tayo sa ating  pamumuhay.ngunit  may mga  hadlang din na maaring pumigil sa ating pagtaagumpay,kaya marapat lamang  na maging maagap ang bawat isa  sa atin upang tagumpay na malampasan ang mga ito.ang pagkamit ng tagumpay ay kailangang buo ang  determinasyon ,tiwala sa sarili,at may pananampalataya sa diyos at marami pang mga katangian na dapat nating taglayin para  makamit  natin ang magandang  bukas."kahirapan ay hindi hadlang  sa kinabukasan".lagi nating tandaan na tayo ang gumagawa ng ating sariling  kapalaran  kaya kung anuman ang ating tatahakin ay nakasalalay sa ating mga kamay.at lagi tayong magdasal sa  ating panginoon sa lahat  ng ating mga ginagawa dahil walang imposible sa kanya kung tama at nararapat ang iyong ginagawa.

Ang kahalagahan na edukasyon  ay  para makatulong sa ating lipunan o bayan.halimbawa sa isang komunidad iilan lamang ang may alam tapos ang karamihan ay walang pinag-aralan, mahalga talaga ang edukasyon para umunlad ang ating bayan.ang tamang edukasyon sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti.kaya habang may buhay ay may pagkakataon  ka pang makapag-aral sukapin at pilitin na makapagtapos para  sa ikauunlad ng ating buhay,dahil mahiral na hanggang kamatayan ay mangmang.kaya dapat mong isipin na "" nasa dios ang awa,nasa tai ang gawa".gagawa ka ng may pagtitiwala at pananalig  sa amang lumikha par a ang  tulong ay makakamit.

Edukasyon ang tanging paraan tungo sa magandang kinabukasan. Ano nga ba ulit ang edukasyon ?bakit nga ba ito napaka-importante ?bakit kaialngan pa tayong Mag-aral ?iilan lang yan sa mga katanunngan ng bawat isa. October 8,2015,namatay ang pinakamamahal kong tao sa mundo yon ay ang  aking ina halos dinamdam ko ng sobra ang pagkawala niya.ng dalawang taon ang nakalipas  sumonod  naman ang aking kapatid kong lalaki,unti-unti akong nanghina ,nawalan ng lakas ng  loob at unti-unti  akong nawalan ng gana na Mag-aral. Sobrang napakasakit ang nararamdaman ko noong mga panahon na iyon. Parang gumoho ang mundo ko noon.kaya noong 2016  tumigil ako sa aking pag-aaral, sinayang ko lang ang opputunidad,mga pagkakataon  na binabalewala ko lang .kaya nong napag isip -isip ako ..na  kailangan kong Mag-aral  ulit ..pero huli na ang lahat. Mahaba na ang akin absent .. na draft  na ako ng aking mga guro... kaya noong panahon na iyon ay punong-puno ako ng pagsisi.. pero ng  hihikayat akong aking coach  sa volleyball  na kailangan  ko talagang bumalik sa pag-aaral   dahil hindi padaw  huli ang lahat may pag-asa  pa daw ako makapag aral ulit.kaya nag-aral ako ulit ... bumangon,lumaban ,at pilit kong kinalimotan ang ng yari sa akin,ginawa kong inspiration  ang nangyari sa aking at ang mga payo sa akng mga coach.. kaya ngayon nakapag aral  ako.nakatapos ng grade 10 ngayon. Hito ako ngayon nag-aral  ,nagsisikap na makapagtapos.sa ngayon may mga taong nakapag aral  nga ,ngunit wla na mang mabuting asal.yong pontong nakapagtapos nga sila ng magandang  kurso,ngunit hindi naman umakto ng maayos  ayon sa kanilang  pinag-aralan  sa mahabang panahon na lumipas,natutuhan kong pahalagahan ang edukasyon. Para sa akin ang edukasyon ay hindi lamang pataasan ng marka  o kurso. Kailangan mo ring matutunan kong paano rumespeto ng ibang tao at kung paano  irespeto ang sarili mo,Edukasyon  ang magsisilbing tulay  natin sa pag-abot ng ating mga pangarap.  Kata nitong bagohin ang buhay ng isang tao kapag may pinag-aralan ka,madali  lang ang para sa iyo na abutin at kamitin ang hinhangad m9 na tagumpay. Ang edukasyon  ang pinkamahalagang pamana ng  ating mg agulang.lahat ng bagay sa mundo na lumilipas edukasyon lamang ang natatanging  bagay na hindi maagaw ninuman,hindi sapat na nakapagtapos  ka lang kasi para sa akin kailangan baonin mo rin ang  karunungang matutunan mo sa loob ng paaralan.

O ano?nagising ko ba ang diwa mo?mga kapwa ko kabataan wag mawalan ng pag-asa,tulad nga ng sa akin tumigil. At nagaral ulit luban,at hindi nagpadala sa emosyon. Hindi pahuli

Comments

Popular posts from this blog

Pagbabago para sa Kalikasan