Pagbabago para sa Kalikasan
Pagbabago para sa Kalikasan Pagbabago para sa Kalikasan Pagbaha, pagkakaroon ng landslide at pabago-bagong klima, ‘yan ang ilan sa mga nararanasan nating panahon ngayon. Abnormal sa panahon noon. Sabi nga ng mga syentipiko, ang ganitong uri ng panahon ay nakababahala na talaga. Sapagkat, dahil sa pabago-bagong panahon napakaraming pagbabago ang unti-unti nang nararanasan ng bawat isa sa atin. Nariyang may panahong sobrang init, ang pag-ulan at pagkakaroon ng bagyo ay animong delubyong sumasalanta sa bawat lugar, bahay, puno at kahit mga tao. Ang mga ganitong uri ng kalamidad ang s’yang nagpapahirap sa atin na halos ikaubos ng mga pananim, pagkasira ng mga imprastruktura, bahay at pati sariling buhay. Ngunit sa kabila ng lahat ng mga nangyayaring ito, walang dapat ibang sisihin at panagutin kundi ang tao. Ang tao na s’yang binigyan ng kaalaman at kabatiran upang paunlarin ang sarili at ang ...